Raffy T. Napay’s art of tenderness
“Isang mananahi ang aking nanay. At tulad ng kahulugan ng salitang ‘mananahi,’ minana ko mula sa aking ina ang kaalaman sa pagtatahi,” says Filipino fiber artist Raffy T. Napay, reflecting on the deep, formative bond he shares with his mother and the distinctive process that defines his work with fiber.
Within the dynamic ecosystem of contemporary Philippine art, Napay’s visual language and modes of production stand apart for what they convey: an intricate, visceral use of thread—not only as material and subject but also as metaphor for both the personal and the universal.
In his textured pictorial fields, whose surfaces are often braided, woven, stitched, and layered, Napay reveals not only a mastery of fiber art processes but also a restless creative drive, a pursuit of constant exploration and innovation as he investigates the potential of fiber as both material and signifier.
His visual and tactile universe is rooted in memory, in the poetics of storytelling and kinship, and in the quiet yet charged moments that lend gravitas to everyday life.
“Para sa akin, ang bawat hibla na aking ginagamit para sa aking mga likha ay para ring mga ugat na bumubuo sa aking pagkatao at umuugnay sa akin bilang ama sa aking anak,” he says. Every thread sewn, every yarn braided, and every woven layer speaks of tenderness, grace, and resilience—qualities embodied by the humblest of materials.
Born to a seamstress mother and a father who worked both as a tricycle driver and a baker at their neighborhood panaderya, Napay’s relationship with thread began long before he called himself an artist. His childhood memories are marked by the cadence of sewing machines, the kaleidoscopic hues of dyed katsa pajamas, and the resourcefulness of a mother who stitched affection into every garment.
His father, meanwhile, brought home flour sacks from the bakery where he worked—material later repurposed into children’s clothes. What began as necessity evolved into a shared artistic practice that celebrates labor, lineage, and life itself.
Through his work, Napay transforms the mundane into meditations on parental love and familial bonds, offering tangible reminders that the everyday is suffused with poetry and quiet beauty.
Raffy, maaari mo bang ibahagi sa amin ang dahilan ng paggamit mo ng mga hibla (threads/fibers) sa iyong mga likha?
‘Yong medium na thread, komportable akong gamitin dahil ang nanay ko ay mananahi at ang tatay ko naman ay tricycle driver at panadero. Naalala ko, may panahon na ang mga pajama namin—’yong mga pantulog namin—ay gawa sa katsa na galing sa bakery. Ang ginagawa ng nanay ko, kinukulayan niya gamit ang Jobos. Noong bata kami, iba-iba ang kulay ng mga pajama naming gawa sa katsa. Bawat gabi, ibang kulay! Sinusulsi pa ng nanay ko ng mga pangalan namin. Ang galing talaga at sobrang resourceful ng mga magulang ko.
Pumasok pa nga ang nanay ko bilang mananahi ng mga swimsuit. Naalala ko rin na dinala niya ako para mag-assist sa gawaan ng swimsuit. Dumating din sa punto na kinailangan kong huminto sa pag-aaral kasi kinapos kami sa budget, kaya pumasok muna ako sa gawaan ng swimsuit para kumita at makaipon pang-matrikula.
Trimmer at packer kami ng kuya ko. Mga isang taon din akong nagtrabaho sa factory bago ako nakaipon para makapag-college. Pagkatapos kong makaipon, nakapag-enroll ako sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology.
Base sa kwento mo, mukhang matagal nang bahagi ng buhay mo ang proseso ng pagtatahi at ang mundo ng mga mananahi. Kaya masasabi bang hindi na bago sa’yo ang paggamit ng hibla bilang pangunahing materyal sa mga artwork mo?
Naging normal na ito sa akin mula pa noong bata ako hanggang ngayon. Pero hindi ko rin inasahan na ang pagtatahi at paggamit ng hibla ang magiging pangunahing materyales ko sa paggawa ng sining ngayon.

Ano ang pinakamahalagang life lesson na natutunan mo mula sa proseso ng pagtatahi?
Napakalawak ng mixed media bilang proseso at materyales sa paggawa ng sining. Kahit ako, hanggang ngayon, marami pa rin akong nadidiskubre sa paggamit ng hibla. Tulad ng buhay ng isang tao, patuloy tayong may natutuklasan at natututuhan. Hindi ko pa masasabi na kabisado ko na ang lahat ng puwedeng gawin sa hibla. Basta’t nagpapatuloy lang ako sa paggawa gamit ang hibla at sa proseso ng paglikha—ang mahalaga sa akin ay maging totoo ito sa puso ko.
Malawak pa ang posibilidad nito, kaya hangga’t maaari, sinisikap kong i-enjoy ang proseso. Tsaka kapag nagtatahi ka, nakikita mo din na mayroong kang nabubuo. Sa mga panahon na ito ko naaalala ’yong pagbuo ng mga magulang namin ng mga buhay naming mga anak nila. Dinamitan kami ng mga magulang namin gamit ng katsa.
Akala ko nga, noong bata pa ako na kami ang may-ari ng panaderya na pinapasukan ng tatay ko kasi ang pangalan ko ay “Raffy T. Napay.”
Para sa iyo, ano ang kahulugan o simbolismo ng mga hibla o sinulid?
Para sa akin, ang mga hibla ay sumisimbolo sa mga ugat sa ating katawan. Nabubuo ang isang tao kapag marami na siyang pinagdaanang mga karanasan. Kaya mayroon din akong mga trabahong parang mga binhi na gawa sa mga hibla, tapos naka-install sila sa tuwid na linya. Bawat binhi ay parang palatandaan ng landas na tinatahak natin.
Paano nagsisimula ang isang ideya, at saan nagmumula ang iyong visual language bilang isang manlilikha?
Kadalasan, kapag nagsimula na akong gumawa ng isang artwork, dumadaloy ako kung saan ako dalhin ng proseso. Pinapasok ko ang sarili ko sa proseso, ang aking mga karanasan, at iniisip ko kung papaano ko gawing mas “ako” ang trabaho ko. Sinisikap kong gawing mas totoo ang trabaho ko.
Ano ang pinakamahalagang natutunan mo mula sa pagtatrabaho mo sa pabrika ng mga damit kasama ang nanay mo?
Sa mga panahong iyon, tinuruan ako ng nanay ko na manahi gamit ang makina. Ngayon naman, ako na ang nagtuturo sa anak ko ng mga aral sa buhay.

Sino-sino ang mga artista na naging impluwensya mo sa iyong art practice?
Ang unang fiber artist na nakaimpluwensya sa akin ay walang iba kundi ang nanay ko.
Ano ang iyong dream project?
Gusto ko sanang mas maipakita sa mundo ang uri ng fiber art na nagmula sa Pilipinas lalo na sa panahon ngayon na mas tanggap ang fiber art sa art scene sa loob at labas ng Pilipinas.
Kung may iiwanan ka sa amin na quotable quote mula kay Raffy T. Napay, ano ito?
“Ako si Raffy T. Napay, mananahi ng buhay.”
Para sa iyo, sa takbo ng mundo natin ngayon, ano ang tungkulin ng isang artist sa lipunan?
Sa dami ng gulo sa mundo ngayon, isa sa mga tungkulin ng artist sa kanyang paglilikha ay ang makabuo para sa susunod na henerasyon.
Bakit ka isang artist?
Dahil buhay ako. At dahil ang pagiging isang artist ay ang isang bagay na totoo sa akin. At habang nabubuhay ako, patuloy akong lilikha.
This story was originally published in Nolisoli 2026 Issue 1

